Maramihang Entry

Ang mga kalahok ay maaaring magsumite ng maraming entry para sa laro.

Mga Kinakailangan Para Maging Elihible

Ang lahat ng kalahok ay maaaring maging miyembro ng SEIU na may magandang katayuan o mga dadalo sa kumbensiyon. Ang mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng mga Taga-organisa ng Paligsahan ay hindi elihibleng lumahok. 

Mga Panuntunan

Kapag uumpisan na ang Kumbensiyon, ang link sa listahan ng gawain na naglalaman ng 10 item ay ipo-post para kumpletuhin ng mga elihibleng kalahok. Ang mga gawain ay nauugnay sa mga kaganapang nangyayari sa panahon ng Kumbensiyon, halimbawa, “ilagay ang bilang ng mga t-shirt na ipinapakita sa Union City.” Kapag nakumpleto ang bawat gawain, magbibigay ang kalahok ng “patunay” (kumpirmasyon sa pamamagitan ng larawan, numero o salita) na nakumpleto nila ang gawain at pagkatapos ay lalagyan ng tsek ang gawain sa site. Matapos nilang makumpleto ang gawain, ang mga kalahok ay makakatanggap ng kumpirmasyon ng timestamp kung kailan nila nakumpleto at isinumite ang gawain. 

Panahon ng Pagsusumite 

Ang mga nakumpletong entry ay tatanggapin kapag ang listahan ng gawain ay inilabas simula sa Sabado, Mayo 18, 2024 ng 8:00 NU Eastern Time sa pamamagitan ng digital app, at magpapatuloy hanggang 5:00 n.h. sa Miyerkules, Mayo 22, 2024. Walang pagsusumite ang tatanggapin pagkatapos ng 5:00 n.h. sa Miyerkules, Mayo 22, 2024.

Pagpili ng Nanalo 

Ang mga mananalo ay ang unang dalawang kalahok na tama ang pagkumpleto ng buong listahan ng gawain, na tutukuyin sa pamamagitan ng mga elektronikong timestamp ng mga pagsusumite. Kung walang pagsumite na ganap at tama na nakumpleto hanggang 5 n.h. Eastern Time sa Miyerkules, Mayo 22, 2024, ang mga mananalo ay ang unang dalawang kalahok na nakakumpleto nang tama ng pinakamataas na bilang ng mga gawain sa loob ng panahon ng pagsusumite.

Paglalarawan ng mga Premyo 

Ang mga mananalo ay makakatanggap ng premyo ng iba’t ibang SEIU at SEIU na kaugnay na mga produkto.

Paunawa sa Pagbabayad ng Buwis (kung naaangkop)

Ang anumang pederal, estado, o lokal na pananagutan sa buwis na dulot ng pagtanggap ng premyo sa paligsahan na ito ay pananagutan lamang ng mga nanalo. Ang 1099-MISC ay maaaring ma-isyu sa mga nanalo sa kaganapang ito kung ang pinagsama-samang pagtanggap ng mga pera mula sa SEIU sa panahon ng taon ng buwis ay nakakatugon sa naaangkop na limitasyon ng IRS.

Mga Tuntunin at Kondisyon ng Union City Scavenger Hunt